Openspace.org
Loading
About the Midpeninsula Regional Open Space District

Maligayang pagdating sa  Midpeninsula Regional Open Space District, ang pampublikong ahensiyang tapat sa pagtatag at pagpapanatili ng mga bakanteng lupa para sa sensitibo sa kalikasang pampublikong libangan, lugar na kawiwilihan, at pang-edukasyon.  Sa aming lupain, inyong matatakasan ang pang-araw-araw na siksikan at tuklasin ang napakalawak na “lugar na maaliwalas”.

Ang aming pagsisikap ay naglalayon na pagdugtong-dugtungin ang halos 60,000 acres na lupain ng Distrito (sa 26 na lugar na pinapanatili sa dating katayuan) sa ibang mga pampublikong lugar na pasyalan upang makabuo ng tuloy-tuloy na mga parke sa may bandang SF Bay Area.  Sa ngayon, ang pakikipagtulungan sa mga lokal na ahensiya at organisasyon sa lupa ay nakapagdulot na ng mga maayos na ugnayan sa mga ilang pangrehiyon na trail system, kabilang na ang Bay Trail, ang Ridge Trail ay ang Skyline-to-the-Sea Trail.

Naglilingkod ang Distrito sa mahigit na 700,000 mamamayan sa 17 lungsod sa may peninsula at nagpapatuloy na nagsisikap upang mas matutugunan pa nang mas mabuti ang mga patuloy na nagbabagong komunidad.  Hinihikayat naming kayong magpahinga sa aming mga kaaya-ayang lugar ng kalikasan at preskong hangin ng aming oasis.


MAMASYAL
Ang aming bakanteng lugar kung saan pinapanatili ang kalikasan ay bukas nang walang bayad sa lahat ng araw sa loob ng isang linggo, 365 na araw sa isang taon.  Marami sa aming mga trail ay bukas sa mga mahilig maglakad, mountain biker at nangangabayo.   Sa ilang lugar, amin rin pinapahintulutan ang mga aso.  Nag-aalok kami ng ilang mga libreng programa at pasalidad, kasama na ang Daniels Nature Center, Deer Hollow Farm, ang pampamilyang mga pasyalan sa pagtuklas, at marami pang iba.

Naririto ang ilang mga mungkahi kung paano magsimula:

Baguhan sa kapaligiran sa labas?
Maglaro sa tubig sa isa sa aming mga our free docent-led hikes.  Hayaang ipasyal kayo ng aming mga nasanay na mga boluntaryo sa mga trail para sa nakakapagpasiglang pamamasyal sa mga gubat.  Alamin ang tungkol sa mga katutubong bulaklak at hayop habang kayo ay nakakalanghap ng preskong hangin at nagrerelaks.

Nais ba ninyong magsimula nang talagang dahan-dahan?
Subukan ang isa sa aming siyam na  most accessible trails (Karamihan sa aming mga mapupuntahan trails), perpekto para sa mga bisitang naka-wheel chair, stroller, walker, mga bata, o sa sinumang nagnanais ng hindi masyadong nakakapagod na karanasan sa bakanteng lugar.

May mga dalang bata?
Ang aming mga pasilidad na tulad ng mga Daniels Nature Center at Deer Hollow Farm ay nagdudulot ng kaaya-ayang pampamilyang pamamasyal na pagtuklas at iba pang nakakasigla, walang bayad, pambatang pang-edukasyong karanasan.

Gustong gamitin ang inyong kagamitan? 
Nag-aalok ang Distrito ng mas maraming iba’t ibang gamit na trail kaysa sa ibang ahensiya ng lupa sa may Bay Area.  Dalhin ang inyong helmet sa pagbibisikleta at lakbaying ang mahigit sa 150 na milyang mountain biking na trail.  O kaya’y sumakay sa likod ng kabayo, at pasyalin ang aming mga pinapanatling lugar nang naka-horse.  O kaya naman ay magpatayo ng tent at magpalipas ng gabi sa ilalim ng mga bituin sa Black Mountain Backpack Camp

Nangangailangan ng dahilan upang ilabas ang iyong mga gadyet? 
Planuhin ang inyong pagbisita gamit ang aming bago at pinahusay na Preserve Finder, isang interactive na gamit na pinapagana ng Google Maps.  Pagkatapos, paandarin ang nadadalang GPS, download our preserves data, at lakbayin ang mga trail nang naghahanap ng mga nakatagong yaman.  Hindi lang ninyo alam kung anong itinago ng mga geocachers !

Mga Karagdagang impormasyon:
Para sa mas marami pang impormasyon, mangyaring puntahan ang openspace.org o tawagan ang opisina ng Distrito sa 650-691-1200.  At saka huwag kalimutang magpalista para sa Open Space Views, ang aming e-newsletter tuwing ikatlong buwan na nagsasaad ng mga buod ng lahat ng aming inaalok na aktibidad.

 

  Additional Information

na lugar na pinapanatili sa dating katayuaneservas

Kalendaryo ng mga gawain

Ang aming Kasaysayan

FAQs

Patakaran ng

Kumuha ng Involved

Makipag-ugnay sa Amin

Support Open Space

District Address:
330 Distel Circle
Los Altos, CA 94022-1404
650-691-1200
email: info@openspace.org

Contact Us Terms of Use & Privacy Policy Photo Credits Site Map Search